Saturday, April 29, 2017
Home > National News > Robredo walang balak agawin ang pagkapangulo kay Duterte

Robredo walang balak agawin ang pagkapangulo kay Duterte


Itinanggi ng tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na apurado siyang maging pangulo.

Ayon kay Georgina Hernandez, tagapagsalita ni Robredo, ang bise presidente na ang mismong nagsasabi na wala sa kanyang plano at hindi kailanman gagawin na agawin ang pagiging pangulo.

Sa talumpati sa Filipino community sa Myanmar, sinabi ni Duterte na gusto ni Robredo ang kanyang puwesto.

Apurado masyado umano si Robredo na maging pangulo.

Itinanggi naman ni Robredo na kasama sa planong pagpapaalis kay Duterte ang nasabing video message.

Bago mai-post sa YouTube ang nasabing video, sinabi ni Duterte na hindi kasama si Robredo sa umano’y destabilization plot laban sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *