Robredo hindi hihingi ng paumanhin dahil sa video message tungkol sa war on drugs


Hindi hihingi ng paumanhin si Vice President Leni Robredo dahil sa mga isiniwalat nitong umano’y iregularidad sa war on drugs ng pamahalaan.

Ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Georgina Hernandez, wala silang nakikitang rason para humingi ng tawad ang bise presidente.

Aniya, ang ginawa ng pangalawang pangulo ay bahagi ng mandato nito na ilabas ang katotohanan at maging boses ng mga pamilyang nawawalan ng lakas ng loob.

Iginiit din ni Hernandez na ang video message ni Robredo sa UN Commission on Narcotics Drugs ay batay sa mga kuwento ng mga maralitang biktima ng drug war na dumulog sa kanilang opisina.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *