Robredo, apurado nang maging pangulo — Duterte – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Robredo, apurado nang maging pangulo — Duterte


Inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo na apurado umanong makuha ang pagkapangulo.

Ginawa ni Duterte ang pahayag sa harap ng Filipino community sa Myanmar kagabi.

Magugunitang noon lamang nakaraang linggo ay sinabi ni Duterte na hindi kasali si Robredo sa may pakana ng destabilization plot laban sa kanya.

Tila naman nag-iba ang ihip ng hangin matapos na batikusin ni Robredo sa pamamagitan ng video message ang war on drugs ng pamahalaan.

Sinabi pa ng pangulo na hindi na siya magtataka kung may kinalaman si Robredo sa impeachment case na inihain laban sa kanya.

Share it for others to know as well

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *