Resulta ng imbestigasyon na isinasagawa ngayon ng NBI, posibleng gamiting ebidensya sa impeachment complaint laban kay ComElec Chair Bautista

Nakikipag-ugnayan na si Justice Sec. Vitaliano Aguirre II sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) kaugnay ng isyu na kinahaharap ngayon ni ComElec Chairman Andres Bautista.

Ayon kay Aguirre, nakausap na niya ang mga opisyal ng PCGG na dating pinamunuan ni Bautista.
Si Bautista ay una nang inakusahan ng asawang si Patricia na may hidden wealth na aabot sa isang billion piso.

Muling nilinaw ni Aguirre na bagamat mayroong immunity from suit si Bautista bilang isang impeachable official ng gobyerno ay hindi ito nangangahulugan na hindi na rin siya maaaring imbestigahan.

Ayon kay Aguirre, maaaring gamiting ebidensiya sa posibleng impeachment complaint laban kay Bautista ang magiging resulta ng imbestigasyon na isinasagawa ngayon ng National Bureau of Investigation.

Binigyang diin ni Aguirre na kahit makalusot si Bautista sa impeachment proceedings, puwede pa rin namang umusad ang kasong kriminal pagkatapos ng kaniyang termino sa ComElec.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *