Reklamong kriminal, inihain ni ComElec Chief Bautista laban sa kanyang asawa

Naghain na ng reklamong kriminal si Commission on Elections (ComElec) Chairman Andres Bautista laban sa asawang si Patricia Bautista na nag-aakusang siya’y may tagong yaman.

Kasong grave coercion, qualified theft, robbery at extortion ang inihain ni Bautista at ng kanyang pamilya laban kay Patricia.

Una nang sinabi ng ComElec Chairman na pangingikil at panggigipit ang ginagawa sa kanya ngayon ng kanyang asawa.

Ninakaw umano nito ang mga dokumento gaya ng passbooks at bank statements.

Itinanggi naman ni Ginang Bautista ang alegasyon ng asawa.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *