Wednesday, April 26, 2017
Home > National News > Reklamo vs Duterte, umani ng magkakaibang reaksiyon sa Senado

Reklamo vs Duterte, umani ng magkakaibang reaksiyon sa Senado


Umani ng magkakaibang reaksiyon mula sa mga senador ang inihaing impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa statement ng isa sa mga kritiko ni Duterte na si Senador Antonio Trillanes, ipinunto niyang ang impeachment complaint na lang ang tanging paraan para masagot ng pangulo ang mga ibinabatong akusasyon dito.

Para naman kay Senador JV Ejercito, walang sapat na batayan para sa paghahain ng impeachment complaint.

Isang simpleng good luck naman ang pahayag ni Senador Ping Lacson sa Magdalo Party-list na hindi rin naman aniya dapat na punahin sa ginawang hakbang.

Paggalang naman sa karapatan ng Magdalo Party-list ang ipinunto ng Liberal Party (LP) senators na sina Kiko Pangilinan at Risa Hontiveros.

Samantala, tikom naman ang bibig ni Senador Tito Sotto sa inihaing impeachment complaint dahil oras aniya na makarating sa Senado ang reklamo ay dapat na maging patas ang mga senador.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *