Race campaign vs delinquent employers inilunsad ng SSS


Iisyuhan ng Social Security System (SSS) ng show cause order ang mga employer na hindi nagbabayad ng SSS contributions ng kanilang mga empleyado.

Kung mapatunayan namang maysala ang employer ay maaari itong makulong hanggang 20 taon.

Ngayong araw ay inilunsad ng SSS ang race campaign o run against contribution evaders (RACE).

Kanina ay nag-ikot sa Greenhills, San Juan sina SSS Chairman Amado Valdez at SSS President Emmanuel Dooc.

Ang nasabing kampanya ay para tugunan ang reklamo ng mga empleyadong hindi nakatatanggap ng benepisyo mula sa ahensiya kahit kinakaltasan ng buwanang kontribusyon.

Iginiit naman ng SSS na obligasyon ng bawat employer na gawing miyembro ng SSS ang kanilang mga empleyado.

Share it for others to know as well:

One comment

  1. Sana matulongan nyo kami 6 month KO na sa agency KO pero kahit isa wala pa po naming hulog halos lahat po kami na naka agency lagi LNG po slang nanganagko pero kangang Ngaun wala pa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *