Puntod ng ilang kilalang personalidad, dinagsa rin


Pinadalhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng bulaklak ang puntod ng mga dating Pangulo ng bansa na nakahimlay sa iba’t ibang sementeryo.

Ilan sa mga pinadalhan ng pangulo ng bulaklak ay ang puntod nina dating Pangulong Carlos Garcia, dating Pangulong Elpidio Quirino, dating Pangulong Diosdado Macapagal sa libingan ng mga bayani.

Nagbigay din ng bulaklak si Duterte sa puntod nina dating Pangulong Cory Aquino at asawa nitong si dating Senador Ninoy Aquino sa Manila Memorial Park.

Dumalaw din si dating Pangulong Erap Estrada sa puntod ng kaibigang si Fernando Poe Jr. Sa Manila North Cemetery.

Binisita na rin ng kanilang mga kaanak at kaibigan ang puntod nina dating Senador Miriam Santiago sa Loyola Memorial Park.

Binisita na rin ang puntod ng ilan pang kilalang artista gaya nina Rico Yan, Nida Blanca, at German Moreno.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *