Pulis sugatan matapos hagisan ng granada


Sugatan ang isang pulis matapos hagisan ng granada sa San Miguel, Bulacan.

Ayon sa ulat, naka-duty ang biktimang si Police Officer 1 Nelson Mendoza sa gate ng Provincial Public Safety Company Patrol Base nang hagisan ng granada.

Lulan umano ang suspek ng hindi pa matukoy na sasakyan.

Sa ngayon ay maayos na ang lagay ng biktima.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *