Tuesday, April 25, 2017
Home > International News > Pulis patay sa pag-atake ng ISIS sa France

Pulis patay sa pag-atake ng ISIS sa France


Isang pulis ang patay samantalang dalawa naman ang malubhang sugatan sa pag-atake sa isang shopping district sa Paris, France.

Ayon sa Paris Police, tinarget ng umatake ang pulis na naka-base sa lugar malapit sa Franklin Roosevelt Subway Station.

Inako ng Islamic State Group ang pag-atake at sinabing ang suspek ay may pangalang Abu Yusuf Al-Beljiki na isang Belgian national.

Ginalugad naman ng mga awtoridad ang isang bahay roon na pinaniniwalaang may kaugnayan sa nasabing pag-atake.

Ang naturang bahay ay pagmamay-ari ng 39-anyos na si Karim Cheufri na suspek sa pag-atake sa isang pulis noong taong 2001.

Pero tikom ang bibig ng mga awtoridad kung si Cheufri nga ba ang nasa likod ng pinakabagong pag-atake sa Paris.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *