Primer sa WPS inilunsad


Inilunsad ni dating Solicitor General Estelito Mendoza, abugado ni Pampanga Representative Gloria Arroyo ang isinulat nitong primer kaugnay ng West Philippine Sea (WPS).

Ang naturang primer ay may pamagat na “The ocean space or the maritime area of the Philippines” na tumatalakay sa posisyon ng Pilipinas sa Law of the Sea.

Paliwanag ni Mendoza, kung walang baseline sa maritime areas ay hindi maaaring magdeklara ng hurisdiksiyon ang anumang bansa sa mga ito.

Ipinunto ni Mendoza ang pagkapanalo ng Pilipinas sa The Hague, Netherlands pero ang China pa rin ang umookupa sa South China Sea.

Para naman kay Arroyo, alam ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginagawa nito sa relasyon sa China.

Inirekomenda nito ang pagpopokus ng National Security Council (NSC) sa economic ties sa China.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *