Tuesday, April 25, 2017
Home > National News > Presidential at Vice Presidential Debates na idaraos ng COMELEC, inaabangan na ng publiko

Presidential at Vice Presidential Debates na idaraos ng COMELEC, inaabangan na ng publiko

Inaabangan na ng publiko ang gagawing Presidential at Vice Presidential Debates sa mga susunod na buwan bago ang takdang araw ng halalan sa Mayo 9.

Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, tatlong uri ng debate ang gagawin ng organizer na may magkakaibang paksa.

Ang unang debate ay gagawin sa Mindanao sa Pebrero 21, 2016 na may Dalawang Moderator.

Ang ikawalang debate ay magaganap sa Visayas sa Marso 20 at gagawing Panel Debate.

Ang ika-tatlo at huling debate ay sa Luzon sa Abril 24 na ang format ay isang Town Hall Debate.

Samantala, ang Vice Presidential Debate ay gaganapin sa Metro Manila sa Abril 10.

Ayon kay Bautista, magandang pagkakataon ito para mailahad ng mga kandidato ang kanilang mga posisyon sa iba’t-ibang usapin.

Samantala, ayon kay KBP National Chairman Herman Basbano, malaking epekto sa politiko kung hindi ito haharap sa debate sa kabila ng pagkakataong ibinibigay ng COMELEC at Media Partners.

Pormal ng nilagadaan ang kasunduan para sa naturang mga debate na dinaluhan ng mga kinatawan ng iba’t-ibang media networks, prints media at online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *