PRES AL-ASSAD ITINANGGING SIYA ANG NASA LIKOD NG KARAHASAN SA SYRIA

Iginiit ni Syrian President Bashar Al-Assad na hindi siya responsable sa pagkamatay ng mga raliyesta sa kanyang bansa.

Ayon kay Assad, inosente siya sa sinasabing pwersa niya ang nasa likod ng nagpapatuloy na crackdown operation sa nasabing bansa.

Naninindigan ang pangulo ng Syria na ang nangyaring karahasan ay hindi kagagawan ng kanyang pwersa kundi ng mga terorista.

Samantala, pinabalik na ng Amerika at France ang mga ambassador nila sa nabanggit na bansa para subuking maibalik muli ang kapayapaan doon.