PNP tiniyak na iniimbestigahan ang lahat ng crime incidents


Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na iniimbestigahan nito ang lahat ng mga insidente ng krimen.

Ito’y sa gitna ng pagkabahala ng US State Department sa paglobo ng bilang ng extrajudicial killings (EJKs) sa bansa.

Sa isang statement, sinabi ni PNP Spokesperson Senior Superintendent Dionardo Carlos na titiyakin nilang maaaresto ang mga suspek at masasampahan ang mga ito ng kaso sa korte.

Sinabi rin ni Carlos na lahat ng kaso ng homicide at murder ay sumasailalim na sa imbestigasyon.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *