PNP, inilunsad ang hotline na maaaring isumbong ang mga tiwaling pulis


Inilunsad ng Philippine National Police (PNP)Counter Intelligence Task Force (CITF) ang kanilang hotline na maaaring tawagan para isumbong ang mga tiwaling pulis.

Maaaring itawag ang anumang sumbong laban sa mga abusadong pulis sa hotline cellphone numbers 0998-970-22-86.

Ang nasabing task force ay binubuo ng nasa isandaang pulis na pinamumunuan niSr. Supt. Jose Chiquito Malayo.

Kabilang sa CITF ang ilang tauhan ngCriminal Investigation and Detection Group(CIDG,) Intelligence Group at Special Action Force (SAF).

Ang CITF ang mangunguna sa isasagawang internal cleansing ng PNP.

Sila rin mismo ang tutukoy at huhuli sa mga pulis na sangkot sa iligal na gawain.

Kaugnay nito, hinimok ni PNP Chief Director Ronald Dela Rosa ang publiko na tumulong sa paglilinis sa hanay ng pulisya sa pamamagitan ng pagre-report sa kanilang hotline laban sa police scalawags.

Tiniyak ni Dela Rosa na confidential ang pangalan ng mga magsusumbong na indibidwal.

Samantala, maaari ring itawag ang iba pang sumbong sa hotlines ng gobyerno na911, 8888 AT 117.

Please follow and like us:

One comment

  1. Hello Goodmorning magrereport lang sana ako sa inyo about sa nagsplash ng mga contact number Sa gma news kagabi sa programang 24Oras 7:19 Pm Feb,06,2017
    ang number na nakalagay ay 0995-795-3569 ay pagmamayari ko po sana po ay mabasa nyo dahil sa akin nagtetext ang mga tiwaling mga pulis Maraming salamat po!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *