PNP, idinepensa ang resulta ng isinagawang DNA Test sa bangkay na pinaniniwalaang si Kulot

Dumipensa ang Philippine National Police sa resulta ng DNA Test na isinagawa sa bangkay na una nang tinukoy na si Reynaldo alyas “Kulot” De Guzman.

Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos, wala silang binago sa resulta ng DNA test at ginawa lang nila ito bilang bahagi ng imbestigasyon.

Sinabi niya na wala silang intensyon na makialam sa kaso kundi ginagawa lang nila ang kanilang trabaho na suportahan ang isinagawang imbestigasyon ng NBI o National Bureau of Investigation.

Dagdag pa ni Carlos wala naman sa mandato ng Public Attorney’s Office na magsasagawa ng forensic investigation.

Umaasa naman aniya sila na dahil sa resulta ay mabibigyan ng pag-asa ang pamilya ni Kulot na buhay pa ito.

Matatandaang kinuwestiyon ang PAO ang ginawang DNA Test ng PNP.

Punto ng PAO, hindi na kailangan ang nasabing pagsusuri dahil positibong tinukoy ng mga magulang na kay Kulot ang natagpuang bangkay.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *