PNP at AFP, nagsumite na ng kani-kanilang Martial Law recommendation

Inamin ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald dela Rosa na pagpapalawig ng Martial Law ang kanilang inirekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ni dela Rosa sa lingguhang pulong balitaan sa Kampo Crame.

Aniya, isinumite na nila ang kanilang position paper noon pang Biyernes.

Dagdag pa ni dela Rosa, wala silang inilagay na panahon kung hanggang kailan dapat na ipatupad ang batas militar.

Ipinaliwanag naman ni dela Rosa na inirekomenda nila ang pagpapalawig ng Martial Law dahil pinaghahanap pa rin ang mga supporter ng Maute group.

Naisumite na rin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang rekomendasyon noon pang Huwebes.

Wala namang idinetalye si defense secretary Delfin Lorenzana patungkol sa kanilang rekomendasyon.

Mas mainam aniya na hintayin na lamang ang desisyon ng pangulo.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *