Planong impeachment complaint ni Alvarez kay Robredo isang uri ng ‘political harassment’


Inilarawan ng kampo ni Vice President Leni Robredo bilang ‘political harassment’ ang planong paghahain ni House Speaker Pantaleon Alvarez ng impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo.

Ayon sa legal counsel ni Robredo na si Barry Gutierrez, nababahala sila na wala pa man ay may prejudgment na agad si Alvarez sa magiging hatol sa nasabing impeachment complaint.

Aniya, sa unang pagkakataon ay ngayon lang din magkakaroon ng impeachment na mismong House speaker ang nanguna.

Nag-ugat ang balak na impeachment laban kay Roberdo matapos nitong banatan ang giyera kontra-droga ng pamahalaan sa isang video message sa United Nations (UN) Commission on Narcotics Drugs.

 

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *