Thursday, April 27, 2017
Home > Metro Manila > PISTON nababahala na posibleng mauwi sa korapsyon ang emergency power sa pagresolba ng trapiko sa Metro Manila

PISTON nababahala na posibleng mauwi sa korapsyon ang emergency power sa pagresolba ng trapiko sa Metro Manila

Nagbabala ang militanteng transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na posibleng mauwi sa korapsyon ang emergency powers para sa pagresolba sa trapiko sa Metro Manila.

Ayon kay PISTON President George San Mateo, sa pamamagitan ng emergency powers maba-by pass ang mga government requirements gaya ng public bidding.

Magreresulat aniya ito sa mga negotiated contracts with sovereign guarantees para sa Metro Rail Transit (MRT), Light Rail Transit (LRT) at iba pa na aniya’y fertile grounds para sa korapsyon.

Sinabi pa ni San Mateo na ang pagbibigay ng emergency power sa pangulo at maaaring maulit lamang sa nangyari noong 1993 nang bigyan ng emergency powers si dating Pangulong Fidel V. Ramos ngunit hindi naman lubusang naresolba ang noo’y krisis sa elekstrisidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *