Pinoy Olympic silver medalists Diaz, Velasco may payo sa mga atletang lalahok sa Palarong Pambansa


Nagpaabot ng kanilang good luck wish sina Olympic silver medalists Hidilyn Diaz at Mansueto “Onyok” Velasco, Jr. sa mga atletang lalahok sa Palarong Pambansa 2017.

Sinabi ni Diaz na sana ay huwag panghinaan ng loob ang mga sasabak sa iba’t ibang sporting events sa Palarong Pambansa na magsisimula sa Abril 23 hanggang Abril 29 sa San Jose de Buenavista, Antique.

Binigyang-diin naman ni Velasco ang kahalagahan ng disiplina sa sarili.

Payo pa ni Velasco, na palaging makinig sa coach upang magabayan nang husto at iwasang masangkot sa bisyo katulad na lamang ng iligal na droga.

Pero ang pinakamahalaga aniya ay palaging manalig sa Diyos.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *