Thursday, April 27, 2017
Home > Metro Manila > Pinay na nanakawan ng halos P100,000 sa NAIA-3, isinisisi sa kabuktutan ng gobyerno

Pinay na nanakawan ng halos P100,000 sa NAIA-3, isinisisi sa kabuktutan ng gobyerno

babae saa airportMasama  ang loob ng isang balikbayan na  Pinay  matapos mawalan ito ng halos P100,000 halaga sa kanyang bag  sa  loob mismo ng Ninoy Aquino International Airport.

Kinilala ang biktimang si Ann Margaret Anthony, isang American citizen kung saan dumating ito sa Pilipinas noong nakaraang taon para sa kanyang bakasyon.

Isinalaysay ni Ann na nakatakda siyang magtungo sa Ilo-Ilo noong Sabado para bumisita sa kanyang pamilya kasama ng kanyang mga kaibigan tiniyak din ng Pinay na kahit nag-iisang nagtungo ng NAIA Terminal-3 ay nasa loob mismo ang wallet kung saan nakalagay ang nasabing halaga.

Dakong pasado alas-8 ng umaga ng ipinasok na ang kanyang bagahe at hand carry bag sa gate-1 departure x-ray screener ngunit ipinagtataka nito ang matagal na paglabas ng kanyang bagahe sa x-ray machine.

Nang pumunta na sa ticketing office ng Cebu Pacific ay doon na lamang nalaman na nawawala na ang kanyang wallet mismo sa kanyang bag.

Agad ini-report sa PNP ang insidente at  napag-alaman  na 6 pala sila ang may parehong kaso sa araw din yun at sa parehong mismo ng lugar na pinangyarihan.

Mas lalong napanghinaan ng loob  ang Pinay nang malaman na ang CCTV na nakalagay mismo sa x-ray machine ay hindi operational.

Dahil dito ikinagagalit nya ang kabuktutan ng gobyerno kung saan hindi lamang ang laglag-bala modus na pinaiiral sa paliparan kundi ang walang awang  pagnanakaw ng isa na namang panibagong modus  sa mga pasahero sa paliparan.

Ulat ni: Cherry Light

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *