Pinagmulan ng sunog sa SM North EDSA, patuloy pa ring iniimbestigahan 

Patuloy pa rin iniimbestigahan ng mga otoridad ang pinagmulan ng sunog na naganap sa SM City North EDSA kagabi.

Nagsimula ang sunog pasado alas otso ng gabi sa bodega ng mall sa ikaapat na palapag na umabot sa ikatlong alarma.

Ayon kay Fire Inspector Rodelio bernabe, commander ng Bureau of fire Protection – Agham Substation, tinitingnan ang posibilidad na lack of ventilation ang sanhi ng apoy dahil walang pumapasok na hangin at mainit sa loob.

Dagdag pa ni Bernabe, natagalan bago gumana ang water sprinkler ng bodega dahil masyadong malayo ang kisame nito.

Dahil dito, may ilang empleyado at bombero na kinailangan dalhin sa ambulansya matapos mahirapang huminga gayunman wala namang nasugatan o namatay sa sunog.

Sa ngayon, inaalam pa rin ng otoridad ang lawak at halaga ng pinsala bunsod ng sunog.

Balik na sa normal ang operasyon ng mall.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *