Pimentel pinayuhang maghinay-hinay sa mga pahayag sa impeachment case laban kay Robredo – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Pimentel pinayuhang maghinay-hinay sa mga pahayag sa impeachment case laban kay Robredo


Pinayuhan ni Liberal Party (LP) Interim President Senador Kiko Pangilinan si Senate President Koko Pimentel na magdahan-dahan sa mga pananalita nito.

Ginawa ito ni Pangilinan matapos ihayag ni Pimentel na may malaking tiyansa ang impeachment case laban kay Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Pangilinan, hindi lang dapat nakabase sa bilang ng kaalyado ang konsiderasyon sa mga ganitong isyu at sa halip ay tingnan ang basehan at bigat ng anumang reklamo.

Para naman sa ibang mambabatas, mas mainam na iwasan ng mga opisyal ng Senado na magsalita ukol sa impeachment, dahil aakto ang mga ito bilang senator judges kapag nakalusot ang reklamo sa Lower House.

Share it for others to know as well

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *