Tuesday, April 25, 2017
Home > National News > Pilipinas, ligtas pa ring dayuhin — Malacañang

Pilipinas, ligtas pa ring dayuhin — Malacañang


“It’s still more fun in the Philippines.”

Siniguro ng Malacañang na ligtas pa rin ang Pilipinas sa gitna ng travel advisories na inilabas ng ibang bansa dahil sa banta ng terorismo.

Ayon Kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, nakikipag-ugnayan na si Department of Tourism (DOT) Secretary Wanda Teo sa iba pang foreign ministers para tiyaking ligtas pa ring dayuhin ang Pilipinas.

Punto pa ni Abella, natuloy ang ASEAN Meeting sa Bohol ngayong linggo gaya ng nakatakda.

Ini-activate na rin aniya ang Task Force Bohol sa mga lugar na pagdarausan ng meeting at sa mga bibisitahin ng ASEAN delegates.

Sinabi rin ni Abella na pinaigting na rin ang seguridad dahil sa banta ng pagpasok doon ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Kasabay nito’y hinimok ni Abella ang publiko na maging alerto at mapagmatyag sa kanilang kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *