Pilipinas ‘katawa-tawa’ dahil sa impeachment complaint laban sa pangulo at pangalawang pangulo


Magiging ‘laughingstock’ ang Pilipinas kung ang dalawang pinakamataas na lider nito ay parehong mahaharap sa impeachment complaint.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, kauna-unahang pagkakataon na may impeachment complaint sa pangulo at ikalawang pangulo nang sabay.

Naniniwala naman aniya si Recto na hindi basehan ang video message ni Vice President Leni Robredo para maging ground ng betrayal of public trust.

Aniya, bahagi ng demokrasya ang pagbatikos sa polisiya ng gobyerno at hindi ito pagtataksil sa tiwala ng publiko.

Tumanggi namang magkomento si Recto sa impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi pa aniya niya ito nababasa.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *