Pia Wurtzbach sasabak sa hosting ng Binibining Pilipinas 2017


Sasabak sa pagho-host ng Binibining Pilipinas 2017 pageant sa Abril 30 si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Inanunsiyo ito ng manager ni Pia na si Jonas Gaffud nitong Biyernes.

Makasasama ni Pia si KC Concepcion bilang host ng nasabing kompetisyon.

Apatnapung kandidata ang maglalaban-laban para sa anim na titulo kabilang ang Miss Universe Philippines, Binibining Pilipinas International, Binibining Pilipinas Intercontinental, Binibining Pilipinas Supranational, Binibining Pilipinas Grand International at Binibining Pilipinas Globe.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *