Pia Wurtzbach, nagpasalamat sa mga sumuporta sa kanya


Labis ang pasasalamat ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa mga sumuporta sa isang taon ng kanyang panunungkulan bilang  Miss Universe

Sinabi ni Pia na masaya siya na nakapagbigay ng karangalan sa bansa at umaasang makakakuha pa rin ng suporta sa kanyang adbokasiya sa HIV-Aids kahit naipasa na ang korona.

Inaasahang babalik sa New York, Usa si Pia matapos idaos sa bansa ang Miss Universe 2016.

Pinalakpakan naman ng mga fans si Pia sa kanyang final walk suot ang kulay Bughaw na gown na ginawa ni Dubai-Based Pinoy Designer Michael Cinco.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *