Thursday, April 27, 2017
Home > News Photo > Phoenix Fuel, nakuha ang unang panalo laban NLEX Road Warriors sa PBA Commissioner’s Cup

Phoenix Fuel, nakuha ang unang panalo laban NLEX Road Warriors sa PBA Commissioner’s Cup

PhoenixNagawa namang nasungkit ng Phoenix Fuel Masters ang kanilang kauna-unahang panalo sa kanilang franchise history matapos na talunin ang NLEX Road Warriors sa iskor na 118-106 sa nagpapatuloy na 2016 PBA Commissioner’s Cup.

Pinangunahan ni RR Garcia ang Fuel Masters matapos na makagawa ng 33 puntos kasama na ang 6 na three-points.

Nakapag-ambag din ng 18 points, 20 rebounds ang import ng Fuel Masters na si Kenny Adeleke, habang si JC Intal ay nakapagtala ng 17 points at si Marc Baracael ay nakagawa ng 15 points para tuluyang talunin ang NLEX.

Sa unang bahagi ng laro, lamang ang NLEX kontra Phoenix Fuel Masters hanggang matapos ang first half.

Pagsapit naman ng second half, nagawa namang makahabol ng Fuel Masters hanggang makalamang ito at makuha ang kauna-unahang panalo sa PBA Commissioner’s Cup.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *