Pet project ni Imee Marcos, kinuwestyon sa Kamara

Kinuwestyon ni Majority Leader Rodolfo Fariñas ang pagbuo ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos ng kanyang pet project na “P-IMEE.”

Binusisi ni Fariñas ang legal na basehan ng pagbuo ng pet project ng gobernadora.

Ani Fariñas ang “P-IMEE” o programang ikauunlad ng mamamayan, ekonomiya, at ekolohiya ay may lump sum na aabot ng higit limampung milyong piso.

Sinabi naman ni Marcos na alinsunod sa provincial ordinance na nilagdaan ng sangguniang panlalawigan noong 2010 ang kanyang proyekto.

Idinepensa rin ni Marcos ang pangalan ng kanyang proyekto.

Aniya, ginawa niya ito para makiuso.

Sinabi rin ni Marcos na may proyekto rin si Fariñas na nakapangalan sa mambabatas gaya ng RUDIF o rural urban development infrastructure fund.

Ipinagtanggol naman ito ni Fariñas at sinabing walang lump sum sa nasabing proyekto.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *