Peña, 8 iba pa kinasuhan sa Ombudsman


Sinampahan sa Ombudsman ng kasong katiwalian at pamemeke ng pampublikong dokumento si dating Makati acting Mayor Romulo “Kid” Peña at walong iba pa.

Nag-ugat ang kaso sa umano’y maanomalyang pagbili ng eight hundred twenty three thousand pesos na halaga ng sports items para sa summer program ng Makati.

Ayon sa complainant na si Marlyn King, hepe ng Youth and Sport Development Department ng Makati, buo ang ibinayad ni Peña sa nasabing mga gamit kahit pa hindi kumpleto ang pagde-deliver.

Aniya, may ilang reports na pineke nina Peña para ma-certify na nai-deliver ang lahat ng biniling sports items.

Mayroon din umanong discrepancy o pagkakaiba sa mga gamit pang-isports na nakalagay sa purchase request at sa aktuwal na idineliber.

Dagdag pa ni King, dapat ay makasuhan si Peña dahil siya ang pumirma ng mga dokumento para sa pagbili at pagbabayad sa supplier.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *