PDEA-7 Director, sinang-ayunan si Duterte na ‘hotspot’ sa illegal drugs ang Cebu

Sinang-ayunan ni Philippine Drug Enforcemnet Agency Region 7 (PREA-&) Director Yogi Felimon Ruiz ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hotspot umano ng illegal drugs ang Cebu.

Aminado si Ruiz na malaki ang problema ng illegal drugs sa Cebu.

Ayon kay Ruiz, naka-focus sila ngayon sa mga high value targets na nasa kanilang listahan kung saan bulto-bultong iligal na droga ang kanilang nasabat.

Ani Ruiz, 60-percent ng mga pangalan na nasa listahan na ibinigay sa kanila ni pangulong duterte ang nahuli na kung saan ang mga malalaking drug personalities na lamang umano ang natitira.

Una nang sinabi ni Ruiz na mayroong 19 big time drug personalities na mino-monitor ang PDEA sa buong Central Visayas.

Lumalabas din sa imbestigasyon na ang mga nahuli ay mayroong koneksiyon sa New Bilibid Prison (NBP) na umano’y doon nagmumula ang supply ng droga na pinapadala sa Cebu.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *