PCG handa na sa papasok na Semana Santa


Handa na ang Philippine Coast Guard (PCG) sa papasok na Semana Santa, kung saan ay inaasahang dadagsa ang mga pasahero sa mga pantalan sa bansa.

Kabilang sa mga ipakakalat ng PCG sa mga pantalan at mga tourist destination ang kanilang special action group, medical team, rescue team, sea marshal at K-9 units.

Ayon kay Commodore Joel Garcia, OIC ng PCG, nakipag-ugnayan na sila sa shipping lines para tiyaking kumpleto sa kagamitang pangkaligtasan ang mga ito, walang overloading at matiyak na maayos ang mga makina ng mga sasakyan.

Nanawagan naman si Garcia sa publiko na huwag magdala ng mga bagay na ipinagbabawal sa mga sasakyang pandagat at dumating nang mas maaga bago ang kanilang biyahe.

Share it for others to know as well:

One comment

  1. Hi there,I log on to your blog named “PCG handa na sa papasok na Semana Santa – DZAR 1026” like every week.Your story-telling style is awesome, keep doing what you’re doing! And you can look our website about الاهلى اليوم.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *