Saturday, April 29, 2017
Home > Provincial > Passenger vessel na biyaheng Batangas-Calapan nasunog

Passenger vessel na biyaheng Batangas-Calapan nasunog


Nasunog ang isang passenger vessel kaninang madaling araw.

Ayon kay Commander Armand Balilo, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG), pabalik na ng Batangas Port ang NV Reno Honasan mula Oriental Mindoro nang biglang may sumiklab na apoy.

Ligtas naman aniyang nai-evacuate ang nasa higit sandaang sakay nito kabilang na ang dalawampu’t anim na crew nito.

Sa ngayon, patuloy pa nilang inaalam ang pinagmulan ng sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *