Thursday, April 27, 2017
Home > International News > Park Geun-hye humingi ng tawad sa publiko

Park Geun-hye humingi ng tawad sa publiko


Humingi ng paumanhin ang napatalsik na si South Korean President Park Geun-hye kasabay ng pagharap nito sa korte para kuwestiyunin sa kinahaharap na corruption scandal.

Si Park ang kauna-unahang halal na pangulo na napatalsik sa puwesto matapos katigan ng kanilang Constitutional Court ang impeachment sa kanya.

Ani Park, makikipagtulungan siya sa imbestigasyon.

Si Park ay inaakusahang nakipagsabwatan sa kaibigang si Choi Soon-sil para puwersahin ang malalaking negosyo sa kanila na mag-donate sa dalawang bogus na foundation.

Bagama’t hindi pa nakakasuhan ay posibleng maharap sa sampung taong pagkakakulong si Park kung mapatunayang nagkasala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *