Tuesday, April 25, 2017
Home > Showbiz > Paolo Ballesteros nagpahiwatig sa kanyang ‘relationship status’ sa kapwa lalaki

Paolo Ballesteros nagpahiwatig sa kanyang ‘relationship status’ sa kapwa lalaki


Nabuhay ngayon ang ispekulasyon tungkol sa ‘relationship status’ at ‘gender identity’ ng TV-host actor na si Paolo Ballesteros.

Ito ay matapos siyang mag-post ng larawan sa Instagram.

Makikita sa nasabing post ang dalawang magkahawak na kamay na may suot na couple ring at may nakasulat pang “second’ at ‘I love you.’

Naka-tag naman sa nasabing post ang isang Roland Ochoa Anog na pinaniniwalaang partner ni Paolo.

Marami naman sa kanyang followers ang nag-congratulate at pumuri kay Paolo dahil sa tila paglalantad nito.

Bukod sa pagbida at pagganap na transgender sa indie film na “Die Beautiful,” kilala rin si Paolo sa kanyang make-up transformations.

Si Paolo ay may isang anak na babae sa dati niyang karelasyon.

Samantala, kinumpirma ng tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino na nakakuha siya ng role para sa isang Hollywood movie.

Sa kanyang Instagram post, inanunsiyo ni Kris na tutungo siya sa Los Angeles para pumirma ng kontrata para sa nasabing pelikula.

Hindi naman idinetalye ni Kris kung ano ang pelikula at kung ano ang magiging papel niya rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *