Paolo Ballesteros, itinanghal bilang Best Actor sa Gawad Urian

 

Itinanghal bilang best actor si Paolo Ballesteros sa Gawad Urian awards 2017.

Ito ay matapos ang kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang “Die Beautiful”.

Sa instagram ng aktor, masaya nitong pinost ang kanyang larawan habang hawak ang best actor trophy sa Gawad Urian.

Matatandaang itinanghal din si Paolo bilang best actor sa Tokyo International Festival, 21st International Film Festival sa Kerala, India at sa Metro Manila Film Festival (MMFF) para sa kanyang pagganap sa nasabing pelikula.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *