Panibagong oil price hike ipinatupad ng mga kumpanya ng langis


Nagsimula nang magpatupad ng dagdag-singil sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis.

Singkuwenta sentimos sa kada-litro ang dagdag sa presyo ng gasolina samantalang tig-treinta sentimos naman sa kada-litro ng diesel at kerosene.

Kabilang sa mga kumpanyang nagpatupad ng oil price hike ang PTT Philippines, SEAOIL, Chevron at Flying V.

Ito ang unang oil price hike para sa buwan ng Pebrero at inaasahang masusundan pa.

Ito ay epekto ng paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *