Pangunguna ni Duterte sa Time online poll ikinatuwa ng palasyo


Ang hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte para unahin ang kapakanan ng publiko ay nakatulong para manguna ito sa Time 100 reader poll.

Sa isang statement, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na hinangaan si Duterte ng mga Pilipino at mga lider sa mundo dahil sa nasabing katangian.

Ipinunto ni Abella ang three-point agenda ni Duterte: Ang kasaganaan para sa lahat, panunumbalik ng tiwala sa gobyerno at patas na lipunan.

Gayunman, tiniyak ni Abella na kahit walang pagkilala ay mananatili pa ring masipag na kawani ng gobyerno at matapat na lider si Duterte.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *