Pangulong Duterte, nagdeklara ng ceasefire laban sa CPP-NPA ngayong kapaskuhan


Nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng Unilateral Ceasefire sa CPP-NPA-NDF ngayong panahon ng kapaskuhan at pagsalubong ng Bagong Taon.

Ginawa ito ng Pangulo kasabay ng selebrasyon ng ika-walumpu’t isang taong anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines.

Sinabi ni Pangulong Duterte na resulta ito ng kaniyang konsultasyon sa ilang religious leaders para sa hangaring matigil na ang karahasan sa bansa.

Ayon sa pangulo, magsisimula ang ceasefire sa panig ng gobyerno sa December 23 hanggang December 27 at December 31 hanggang January 3 ng susunod na taon 2017.

Hinikayat din ni Pangulong Duterte ang mga miyembro ng NPA na bumaba at umuwi sa kanilang pamilya para sa pagdiriwang ng Pasko.

Tiniyak ng Pangulo na walang gagawing pag-aresto ang mga tauhan ng militar at pulis sa mga NPA.

Pero, para sa mga kriminal at mga terorista gaya ng Maute Group, sinabi ng Pangulo na ayaw niya itong makita o makasama.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *