Tuesday, April 25, 2017
Home > Provincial > Pangulong Duterte, ibinunyag na Singaporean ang lider ng extremist group sa Sulu

Pangulong Duterte, ibinunyag na Singaporean ang lider ng extremist group sa Sulu


Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang singaporean ang namumuno sa extremist group sa Sulu.

Ginawa ito ng Pangulo sa kaniyang departure speech bago tumulak papuntang Cambodia.

Ayon sa Pangulo, maaaring ISIS ang naturang extremist group na nag-ooperate sa dulong bahagi ng bansa.

Sinabi pa ng pangulo na bukod sa Singaporean, mayroon ding Malaysian, Indonesians at ilang Pilipino na kasapi sa grupo.

Pagkakataon na aniya ito para talakayin niya ang isyung ito sa kaniyang state visit sa Singapore.

Sa ngayon ay nasa Cambodia ang Pangulo para sa dalawang araw na state visit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *