Thursday, April 27, 2017
Home > National News > Pangulong Duterte binuweltahan ang mga kritiko ng ‘Dutertenomics’

Pangulong Duterte binuweltahan ang mga kritiko ng ‘Dutertenomics’


Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kritiko ng bagong lunsad pa lamang na ‘Dutertenomics.’

Nakapaloob sa naturang programa ng pangulo ang naglalakihang infrastructure projects na balak itayo ng administrasyon.

Una nang tinawag ng mga kritiko na ambisyoso ang mga nasabing proyekto gaya ng kauna-unahang subway system sa Metro Manila at railway system sa Mindanao.

Ayon kay Pangulong Duterte, hindi na siya nagtatakang naghahanap lamang ng butas o kamalian ng administrasyon ang mga kalaban sa pulitika.

Giit ni Duterte na hanggang pagpuna, pagkondena at panghuhusga lang naman ang nagagawa ng mga kritiko at hindi naman kayang gawin ang nagagawa niya.

Dahil dito, tinawag ni Duterte na duwag ang mga tumutuligsa sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *