Thursday, April 27, 2017
Home > National News > Pangamba ng publiko sa pagkalat ng Zika virus sa bansa, pinawi ng DOH

Pangamba ng publiko sa pagkalat ng Zika virus sa bansa, pinawi ng DOH

virusPinawi ng Department of Health (DOH) ang pangamba ng publiko kaugnay sa kumpirmasyong may naitalang bagong kaso ng Zika virus sa Pilipinas.

Nilinaw ni DOH secretary Janet Garin, na isa lamang itong isolated case sa nasabing sakit.

Nabatid na isang American tourist ang nag-positibo sa Zika virus habang nagbabakasyon sa bansa noong Enero ng taong kasalukuyan.

Kinumpirma rin ng US Centers for Disease Control and Prevention (US-CDC) ang naturang kaso.

Ayon sa US-CDC, nakaramdam ng sintomas ng Zika ang American national habang pabalik na sana ito sa Amerika.

Inaalam naman ngayon ng DOH kung paano na-infect ng virus ang nasabing dayuhan habang nasa Pilipinas.

Ito na ang ikalawang beses na nagkaroon ng Zika virus sa bansa, at ang una ay naitala noong 2012.

Ayon sa DOH, hindi banta sa buhay ang Zika, subalit nakakaapekto anila ito sa mga sanggol na nasa sinapupunan ng ina na nagkaroon ng virus habang nagbubuntis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *