Pang. Duterte, nanindigan na wala siyang nilabag na protocol sa pag-reinstate kay CIDG –Region 8 Head Supt. Marcos


Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang siyang nilabag na protocol sa pag-utos niyang ibalik sa pwesto si Supt. Marvin Marcos bilang pinuno ng PNP –CIDG Region 8.

Inamin ni Duterte na siya ang tumawag kay PNP Chief Ronald Dela Rosa para i-reinstate si Marcos na inakusahang tumanggap ng drug payola.

Aminado naman si Duterte na dahil sa desisyon niya ay may ilang kumukwestiyon sa kaniyang motibo at nagsasabing may alam siya sa  operasyon ng PNP-CIDG 8 na nauwi sa pagpaslang kay Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr.

Ayon kay Duterte, anuman ang kaniyang dahilan ay discretion niya na ito.

Una na ring sinabi ni Dela Rosa na ikinagulat din niya ang utos ng Pangulo ngunit wala siya sa posisyon para kuwestiyon ito dahil tiwala siya sa anumang rason nito.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *