Pang. Duterte, nangako ng P50-M tulong sa mga biktima ng Bagyong “Nina”


Nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte na doblehin ang ipinangakong 50-million pesos na tulong para sa mga magsasakang nasalanta ng Bagyong Nina sa Bicol Region.

Magugunita na una ng ipinangako ni Pangulong Duterte ang 50 million pesos mula sa Department of Agriculture bilang tulong sa muling pagbangon ng mga magsasaka na nasalanta ng bagyo.

Bukod sa nasabing halaga, may mga binhi ring ipamimigay si Agriculture Secretary Manny Pinol sa mga magsasaka para makapagtanim agad sa mas lalong madaling panahon.

Samantala, tiniyak ni Pangulong Duterte na walang korapsyon ang tulong na iniabot niya sa mga biktima ng kalamidad.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *