Thursday, April 27, 2017
Home > Metro Manila > Pamunuan ng MMDA, magkakaroon ng malawakang balasaan

Pamunuan ng MMDA, magkakaroon ng malawakang balasaan

Magkakaroon ng malawakang balasahan at imbentaryo ang magaganap sa pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay MMDA Officer-In-Charge (OIC) Thomas Orbos, ipapatupad ang major reshuffle sa mga opisyal at magkakaroon ng inventory at audit sa MMDA.

Sinabi ni Orbos na nakasentro na lamang ngayon ang MMDA sa flood control, solid waste management at urban renewal.

Sa ngayon ang Department of Transportation (DOTR) na ang may kontrol sa pagmamantina ng trapiko sa Metro Manila.

Kabilang ang MMDA sa bagong tatag na Inter-Agency Committee on Traffic Management (IACT) sa ilalim ng pamamahala ng DOTR.

Ang MMDA rin ang naatasang makipag-coordinate sa Metro Manila Council (MMC) na may labing pitong (17) alkalde para sa mga plano at programa ng IACT.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *