Palawan naka-heightened alert vs ASG


Naka-heightened alert na ang Palawan sa banta ng pagpasok ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa naturang probinsiya.

Ayon kay Lieutenant Commander Adrian Vargas, station commander ng Coron Coast Guard, naka-dispatch na ang puwersa ng militar sa mga isla ng Palawan na dinarayo ng mga turista.

Paiigtingin din ng mga security personnel ang mga resort doon.

Gayunman, tiniyak ni Vargas na nananatiling masigla ang turismo ng probinsiya.

Wala pa rin aniya silang namo-monitor na indikasyong nakarating na ng Palawan ang bandidong grupo.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *