Thursday, April 27, 2017
Home > News & Update > Pahayag ng DOH na ipagpaliban ang pagbubuntis dahil sa zika virus, binatikos

Pahayag ng DOH na ipagpaliban ang pagbubuntis dahil sa zika virus, binatikos

binatikosBinatikos ni Buhay Party List Representative Lito Atienza ang pahayag ni Health Secretary Janet Garin na pigilin muna ang pagbubuntis habang patuloy na kumakalat ang zika virus sa Latin Amerika at ibang bansa sa Asya.

Ayon kay Atienza, hindi dapat gamitin ang zika virus para pigilan sa pagbubuntis ang mga kababaihan.

Hindi aniya tamang lumikha ng zika scare para lamang mai-promote ang birth control.

Sinabi ni Atienza na walang awtoridad si Garin para sabihin na sa 2017 na lamang magbuntis kung tukoy na ang tamang pangontra sa zika.

Kasabay nito, pinayuhan na lamang ni Atienza ang kalihim na magtrabaho para maprotektahan ang publiko hindi lamang sa zika virus kundi sa iba pang sakit na kumakalat sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *