Pagtulong sa mga biktima ng Bagyong”Nina”, wag gawing political issue—VP Robredo


Binigyang diin ni Vice President Leni Robredo na hindi dapat gawing political issue ang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong nina sa Bicol Region.

Sa isang panayam, sinabi ni Georgina Hernandez, tagapagsalita ni Robredo, na nakamonitor ang bise presidente sa pananalasa ng bagyo lalo na sa kabikolan na labis na naapektuhan.

Ito ang reaksyon ni Hernandez sa mga pambabatikos sa bise presidente dahil nasa Estados Unidos ito habang sinasalanta ng bagyo ang Bicol Region.

Kasalukuyang nasa Amerika ngayon si Robredo para dumalo sa isang family reunion.

Samantala, naniniwala naman si Robredo na mabilis na makakabangon ang rehiyon dahil kilala ang mga Bikolano sa pagiging matatag sa anumang suliranin.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *