Pagsasampa ng kaso vs Marcelino muling binawi ng DOJ


Muling binawi ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong may kinalaman sa conspiracy, manufacturing at possession of illegal drugs laban kay Marine Lieutenant Colonel Ferdinand Marcelino at Chinese interpreter na si Yan Yi Shou.

Ayon kay Public Attorney’s Office (PAO) Chief Attorney Persida Acosta, batay sa resolusyon ni Senior Deputy State Prosecutor Theodore Villanueva, ibinasura ang kaso dahil walang sapat na ebidensiya at walang ligal na basehan ang paratang laban kay Marcelino at pinaboran din ang petition for review na inihain ng PAO.

Matatandaang Setyembre 2016 ay binawi ng Manila Regional Trial Court (MRTC) ang naunang ipinalabas na resolusyon ng DOJ kaya muling inaaresto si Marcelino.

Si Marcelino ay unang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police – Anti-Illegal Drugs Group (AIDG), kung saan ay naaresto rin si Shou.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *