Pagpapatupad ng light truck ban, sinimulan na – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Pagpapatupad ng light truck ban, sinimulan na


Simula na ang pormal na implementasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa light truck ban sa EDSA.

Nasa dalawampung maliliit na truck na ang nahuhuli ng MMDA na bumabagtas sa EDSA.

Sa ilalim ng nasabing ban, hindi maaaring magbiyahe sa EDSA Southbound ang mga truck na may gross capacity weight na 4,500 kilos mula alas-sais hanggang alas-diyes ng umaga.

Ipinagbabawal ding magbiyahe ang mga ito sa EDSA Northbound simula alas- singko hanggang alas-diyes naman ng gabi.

Papatawan ang mga ito ng dalawang libong pisong multa.

Magtatagal ang light truck ban hanggang Hunyo akinse.

Share it for others to know as well

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *